Tagalog / Filipino
Kayo
- Kayo ba ay hinikayat sa pamamagitan ng mga kasinungalingang pangako (gaya ng trabaho, mataas na sweldo...) na pumunta sa Germany?
- Kinuha ba sa inyo ang inyong mga papeles?
- Kayo ba ay pinupwersa mag-prostitute o pinilit na makipag-sex na labag sa inyong kagustuhan?
- Kayo ba ay sinisingil ng utang na hindi naman ninyo inutang?
- Kayo ba ay pinipilit mag-trabaho nang walang kabayaran o kinukuha ba ang inyong sweldo?
- Kayo ba ay binubugbog, kinokontrol, pinapahiya, ginagahasa, pinagbabantaan o pine-pressure?
Kung kayo ay dumadanas ng kahit na isa lamang sa mga pangayayaring ito o kung kayo ay nakaranas ng katulad ng mga ito ay tawagan ninyo kami.
07131 9644877 (office hours)
Mitternachtsmission-gegen-menschenhandel(at)diakonie-heilbronn.de
Kami
Ay handang tumulong sa pamamagitan ng:
- Pagsangguni, pag-alalay at pagpayo
- Pagbibigay ng kaalaman ukol sa inyong karapatan
- Pagtatatag ng ligtas na tirahan
- Pagtutustos ng mga pangangailangan: pagkain, damit at mag bagay pangkalusugan
- Kung ninanais rekomendasyon sa mga abogado o manggagamot
- Kung ninanais pagbibigay kaalaman sa pulis, konselado at iba pang kinauukulan
- Pagtulong at pag-alalay sa pagsasakdal sa hukuman
- Pagtulong na makapagtatag ng kabuhayan sa Germany o pagtulong na makabalik sa sariling bansa.
Ang aming mga serbisyo ay walang bayad at lihim! Huag kayong mag-atubili kung kayo ay hindi marunong ng salitang German o English sapagkat mayroon kaming taong tagapag-salin ng mga wika sa Tagalog. Kami ay magbibigay lamang ng kaalaman sa pulis o anupamang kaukulan kung kayo ay sang-ayon dito.